Indian Pres. Ram Nath Kovind, nasa bansa na, Bilateral Meeting nila ni Pangulong Duterte, mamaya na!

38

Nasa bansa na si Indian President Ram Nath Kovind para sa limang araw na State visit.

Kasama ng Indian leader ang kanyang asawa na si First Lady Savita Kovind.


Sinalubong siya ng mga matataas na Opisyal ng Gobyerno, kabilang Sina Health Sec. Francisco Duque III at Indian Ambassador to the Philippines Jaideep Mazumdar.

Ayon sa Dept. of Foreign Affairs (DFA), inaasahang magkakaroon ng Bilateral Talks si Kovind kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw para talakayin ang areas of mutual interest gaya ng Political, Economic, Cultural, at People-to-People Engagement.

Tanda rin ito ng 70th anniversary ng Diplomatic Relations ng Pilipinas at India.

Makikipagkita rin ang Indian President sa mga kababayan nito sa pILIpinas at sa Filipino Beneficiaries ng Makati-Based Mahaveer Philippine Foundation Inc.

Facebook Comments

From Advertisers