Indiana Pacers, naka-buena manong panalo kontra Milwaukee Bucks sa NBA preseason

NBA – Naka-buena manong panalo agad ang Indiana Pacers matapos tambakan ang Milwaukee Bucks sa kanilang first game sa NBA preseason.

Nagtapos ang laro sa iskor na 108-86, resulta ng pinagsanib na pwersa nina Myles Turner at Lance Stephenson na kapwa kumamada ng 17 points.

Malaking tulong din ang 15 points ng bagong player ng Pacers na si Victor Oladipo.


Samantala, ito na ang ikalawang talo ng Milwaukee Bucks matapos na una silang pahiyain ng Dallas Mavericks noong Martes.

Sunod namang makakalaban ng Pacers ang Cleveland Cavaliers habang susubukan ng Bucks na masungkit ang una nilang panalo kontra Chicago Bulls sa Sabado.

Facebook Comments