Indibidwal na naging bisita sa Gubat sa Ciudad sa Caloocan City na nagpositibo sa COVID-19, umabot na sa 20

58

Umakyat na sa dalawampu ang bilang ng mga indibidwal na naging bisita sa Gubat sa Ciudad sa Caloocan na nagpositibo sa COVID-19.

Mula sa naunang apat, nadagdagan pa ng labing-anim ang bilang ng mga nagpositibo .


Ang dalawampung indibidwal ay mula sa dalawandaan at pitong naunang natunton at nasuri.

Inaantay pa ngayon ang resulta ng COVID-19 testing sa 55 na iba habang nagpapatuloy ang mahigpit na contact tracing.

Facebook Comments