Indibidwal na nasa likod ng “vaccine slot for sale” sa Mandaluyong, tukoy na ng mga otoridad

44

Batid na ng mga otoridad kung sino ang indibidwal na nagbebenta ng vaccine slot sa Mandaluyong City.

Ito ang kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesperson Jonathan Malaya.


Pero hindi pa mapangalanan ang indibidwal na nasa likod ng ‘vaccine slot for sale’ dahil ang Philippine National Police (PNP) ang mismong mag-aanunsyo nito.

Kasalukuyan nang tinutugis ng pulisya ang salarin at inaalam na rin kung scam o talagang may kasabwat sa Local Government Unit (LGU) ang nag-aalok ng slot ng bakuna.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin si Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos sa National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon ngunit hindi pa aniya puwedeng idetalye ang mga impormasyon.

Nanindigan muli ang alkalde na imposibleng makapasok sa kanilang system dahil bawal sa kanila ang walk-in at may listahan at schedule talaga sa pagbabakuna.



Facebook Comments