INDISCRIMINATE FIRING TUTUTUKAN NG PNP PANGASINAN SA PAGSALUBONG NG BAGONG TAON

23

Tututukan ng Pangasinan Police provincial Office ang paggamit ng baril sa pagsalubong ng bagong taon o indiscriminate firing.

Saad ng Provincial Director ng PNP Pangasinan na si PCOL Richmond Tadina, sinisiguro nitong susunod ang hanay ng kapulisan sa utos na mula sa National Office ukol sa hindi paggamit ng baril ng mga pulis sa pagsalubong ng bagong taon.

Dagdag pa nito sinumang pulis ang mahuhuling lalabag dito ay tiyak na mapapatalsik sa serbisyo


Samantala, paalala naman ng kanilang hanay sa mga indibidwal na mas maiging gumamit na lamang ng ibang alternatibong pampaingay para salubungin ang taong 2022. | ifmnews

Facebook Comments