Individual outdoor sports, pinayagan na sa Austria

28

Inanunsyo ng gobyerno ng Austria na pinapayagan na nila ang individual outdoor sports ngayong Christmas Holiday.

Ayon kay Chancellor Sebastian Kurz, kabilang dito ang skiing na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang kanilang residenteng lumahok sporting activity na sisimulan sa December 24.


Sa kabila nito, hindi pa rin papayagan ng otoridad ang pagbubukas ng mga hotel sa Pasko at Bagong Taon at magbabalik-operasyon lamang sa Enero 7.

Batay sa huling tala, umabot na sa 289,000 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Austria kung saan 234,000  na ang gumaling at higit 3000 naman ang nasawi.

Facebook Comments