INDONESIA EARTHQUAKE | 6.9 magnitude na lindol sa Indonesia, nag-iwan na ng higit 100 patay

Indonesia – Umabot na sa higit 100 ang patay matapos tumama nitong linggo ang magnitude 6.9 na lindol sa Indonesia.

Ayon kay Indonesia Disaster Mitigation Agency (bnpb), umakyat na sa 105 ang naitalang patay.

Aniya, patuloy pa ring nakakarekober ng mga biktima sa mga bumagsak na gusali at bahay.


Libu-libo ring residente ang nawalan ng tirahan at nangangailangan ng malinis na tubig, pagkain, gamot at matutuluyan.

Inaasahang patuloy na tataas ang bilang ng mga namatay.

Facebook Comments