Indonesian Athlete, ini-alay ang nakamit na dalawang Gintong Medalya sa pumanaw na ama

79

Dalawang ginto na ang naiuwi ng pambato ng Indonesia sa Wushu.


Ito’y matapos ipakita ni Edgar Xavier Marvelo ang kanyang galing sa nasabing larangan.

Pero sa kabila ng tagumpay, malungkot na balita ang kanyang natanggap.

Nalaman niyang pumanaw na ang kanyang ama.

Hindi muna agad sinabi ng kanyang teammates ang balita hanggang sa matanggap niya ang award.

Inaalay ni Marvelo ang tagumpay hindi lamang sa kanilang bansa kundi na rin sa kanyang namayapang ama.

Samantala nag-trending sa Twitter ang #Timor Leste matapos bumuhos ang suporta sa nasabing bansa na wala pang napapanalunang medalya sa Sea Games.




Facebook Comments