Indonesian President Joko Widodo, naturukan na ng bakuna kontra COVID-19

65

Naturukan na ng COVID-19 vaccine ngayong araw mula sa kompanyang Sinovac si Indonesian President Joko Widodo.

Si Widodo ang kauna-unahang nabakunahan ng nasabing bakuna sa kanilang bansa.


Ayon kay President Widodo, malaking tulong ang nasabing bakuna para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Kasunod nito, inaasahan namang aabot sa 1.48 milyong health workers ang makakatanggap ng bakuna sa Indonesia simula ngayong linggo.

Facebook Comments