INDUSTRIYA NG BANGUS SA PANGASINAN, PATULOY NA PINALALAKAS; 5K BANGUS GROWERS TARGET NA MAIPAREHISTRO SA KOOPERATIBA

Patuloy na umaarangkada sa iba’t-ibang bayan sa Pangasinan ang isinusulong na Good Aquaculture Practices at Active Farm Registration sa pangunguna ng Samahan ng Magbabangus ng Pangasinan o SAMAPA.

Nito lamang, tinungo ng tanggapan ang lungsod ng Dagupan kung saan nakiisa ang mga bangus growers na mula mga barangay ng Pugaro at Salapingao.

Bilang tinaguriang Bangus Capital ng bansa ang Dagupan City, inaasahan na mismong sa lungsod ay mas mapayabong ang industriya ng bangus.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng farm registration sa pangunguna ng City Agriculture Office, habang ibinahagi rin sa pangunguna ng BFAR Region 1 ang maaaring pag-adopt sa mga fb improved aquaculture techniques para sa industriya.

Ayon sa SAMAPA, mahigit limang libong bangus growers ang target mai-parehistro sa kooperatiba upang maging kaisa ang mga ito pagtataguyod ng bangus industry ng Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments