INDUSTRIYA NG HOG RAISING SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, LUMALAKAS

Lumalakas ang industriya ng baboy sa lalawigan ng Pangasinan ayon Provincial Veterinary Office.
Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga feeds ay nakitaan pa rin ng pagdoble ng produksyon ng baboy sa lalawigan.
Ang iba pang piggery farms ay nagpapatuloy na rin sa kanilang operasyon sa hog raising.

Bagamat ay hindi pa nadeklarang ASF free ang lalawigan, tiniyak naman ng mga nag-aalaga ng baboy na nag-iingat pa rin ang mga ito sa magiging banta ng naturang sakit. |ifmnews
Facebook Comments