INDUSTRIYA NG PANGINGISDA AT BANGUS BOTTLING SA BUGALLON, ISINUSULONG

Isinusulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga estratehiya at safety rules and regulations sa industriya ng pagbabangus sa Bugallon sa ilalim ng National Bangus Development Program.
Sa naturang aktibidad, ibinahagi sa tatlumpong fish growers ng Bugallon ang kahalagahan ng pagtalima sa mga itinakdang Food Safety Regulations and Standards at iba pang mahalagang konsepto sa food handling tulad ng pagtalima sa HALAL principles upang lubos na maunawaan ng mga kalahok ang processing ng high-quality fishery products.
Sumabak din ang mga fish growers sa hands-on bangus bottling matapos sumailalim sa lecture ng tamang packaging at labeling ng produkto maging ang paggamit ng teknolohiya sa bangus bottling.

Ikinagalak naman ng samahan ng magbabangus ang kompletong start-up materials na maaari nilang magamit sa kanilang kabuhayan at maibahagi ang kaalaman sa mga susunod na henerasyon.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments