Bilang bahagi ng kampanya, namahagi ang tanggapan ng iba’t ibang uri ng seedlings ng gulay gaya ng talong, okra, sitaw, at kamatis upang hikayatin ang mga mamamayan na magtanim ng sariling pagkain sa bakuran o komunidad.
Ayon sa MAO, layunin ng programa na maitaguyod ang self-sufficiency ng mga pamilya sa sariwa at masustansyang pagkain, kasabay ng pagbawas sa gastusin sa araw-araw. Bukod dito, nakatutulong din umano ang urban at backyard gardening upang mapangalagaan ang kalikasan at mapabuti ang kabuhayan sa mga kabahayan.
Ipinaalala rin ng tanggapan ang kahalagahan ng agrikultura at ng mga lokal na magsasaka bilang pangunahing pinagkukunan ng pagkain sa bayan, lalo na sa panahon ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Patuloy naman ang panawagan ng MAO sa publiko na suportahan ang mga proyektong pang-agrikultura ng lokal na pamahalaan at aktibong makibahagi sa mga aktibidad na nagtataguyod ng sapat na suplay ng pagkain sa bawat barangay.









