INFANTA MAYOR AT ASAWA NITO, NAGPOSITIBO SA COVID19; ALKALDE, NAKIUSAP SA PUBLIKO NA SUMUNOD SA HEALTH PROTOCOLS

43

INFANTA, PANGASINAN – Nagpositibo at hindi rin nakaligtas sa COVID19 ang alkalde ng bayan ng Infanta na si Mayor Marvin Martinez at ang asawa nito.

Kinumpirma ito ng alkalde na ito mismo ang lumabas sa kanilang Antigen Test. Bago pa magdesisyon na magpa test ang alkalde at ang kanyang asawa ay nakakaranas na sila ng ilang sintomas ng COVID-19 anim na araw kaya nagdesisyon ang mga ito na magpatest.

Sinabi pa ng alkalde na simula ng nakaramdam ito ng ilang sintomas maging ang kanyang asawa ay agad silang nagself isolate upang maiwasan umano ang makahawa pa ng iba.
Hanggang sa ngayon umano ay nakakaranas pa sila ng sintomas tulad ng pananakit ng kalamnan, sipon at ubo.


Samantala, nananawagan naman ang alkalde sa publiko na patuloy ang pagsunod sa minimum health protocols tulad ng tamang pagsusuot ng face mask at face shield dahil sa hindi biro ang tamaan ng sakit.

Facebook Comments