Infanta, Pangasinan niyanig ng 4.6 magnitude na lindol

49

Niyanig ng 4.6 magnitude na lakas na lindol ang probinsiya ng Pangasinan kaninang
02:56 ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang pagyanig sa layong 15 km Timog-Kanlurang bahagi ng Infanta, Pangasinan.

May lalim ito na 23 na kilometro at ang pinagmulan ay tectonic.

Naramdaman ang Intensity IV sa Alaminos City, Pangasinan.

Intensity III sa Laoac, Pangasinan

Instrumental Intensity III sa Dagupan City, Pangasinan.

Facebook Comments