Infectious Diseases Expert Dr. Edsel Salvana, “no comment” sa paglutang ng pangalan bilang susunod na kalihim ng DOH

130

Tumangging magkomento si infectious diseases Expert Dr. Edsel Salvana sa paglutang ng kanyang pangalan bilang isa sa mga pinagpipilian na maging susunod na kalihim ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Salvana, wala pa namang direktang nakikipag-ugnayan sa kanya mula sa kampo ni presumptive president Ferdinand Marcos Jr. kung kaya’t nakatuon lamang siya sa ngayon sa kanyang trabaho.

Mananatili din aniya siyang miyembro ng Techinical Advisory Group (TAG) ng DOH at kahit paalis na ang kasalukuyang administrasyon ay tuloy pa rin ang kanyang trabaho sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.


Tinawag din ni salvana na “haka-haka” ang mga lumalabas sa social media na pinagpipilian bilang susunod na DOH Secretary.

Facebook Comments