INFLATION | Grupong Bayan, magsasagawa ng Black Friday protest ngayong araw

41

Manila, Philippines – Magsasagawa ng Black Friday protest ngayong araw ang Bagong Alyansang Makabayan o Bayan para ipanawagan sa pamahalaan ang epekto ng mataas na inflation rate.

Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, tatawagin nila itong “palengke protest” na kanilang isasagawa sa Mega Q Mart sa Quezon City.

Giit ni Reyes, dapat kumilos ang pamahalaan para matulungan ang mga consumers matapos ang pagtaas ng inflation rate sa 6.4%.

Hinimok rin ng grupo ang gobyerno na paigtingin ang produksyon ng pagkain imbis na mag-import mula sa ibang mga bansa.

Facebook Comments