INFLATION RATE SA PANGASINAN NOONG ENERO, BUMABA SA 2.6 PERCENT

Bumababa pa ang naitalang inflation rate sa Pangasinan na nasa 2.6 percent noong Enero mula sa 2.8 percent noong Disyembre 2024.

Ayon sa Philippine Statistics Authority Pangasinan, naging indikasyon ng pagbaba ang ilang commodity groups tulad ng Personal Care, and Miscellaneous Goods and Services, 4.5 percent; Recreation, Sport and Culture, 2.7 percent; Furnishings, Household Equipment and Routine Household Maintenance, 2.6 percent.

Samantala bumulusok naman ang inflation rates sa ibang bilihin na kabilang sa Food and Non-Alcoholic Beverages, 5.1 percent; Restaurants and Accommodation Services, 2.1 percent; Transport, -0.2 percent.

Nananatili naman sa 2.9 percent ang kabuuang inflation rate sa Ilocos Region ngayong Enero, halos doble ng naitalang inflation rate sa parehong buwan noong nakaraang taon na nasa 1.5 percent. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments