Umakyat sa 4.1% ang inflation o antas ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa nitong buwan ng Marso, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mataas ito kumpara sa 2.4% na naitala noong Pebrero, na nagpapakita ng mas mabilis na pagtaas ng gastusin ng mga mamamayan sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Batay sa ulat ng PSA, kabilang sa mga pangunahing nagtulak sa pagtaas ng inflation ang pagmahal ng pamasahe sa transportasyon, gayundin ang pagtaas ng presyo ng pagkain at mga inuming hindi alkohol.
Dahil dito, patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad sa presyo ng mga pangunahing bilihin tulad na lamang sa Dagupan City, Pangasinan.
Na kung saan ang Punong Lungsod ng lokal na pamahalaan ay nagbibigay na ng update sa mga arawang presyuhan ng produktong gulay, karne, at isda na hinihigpitan ang pag babantay ng mga Presyo ng bilihin.
Tinitiyak umano ng mga LGU na mananatiling updated ang mga residente sa galaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin sabay sa epekto ng presyo ng langis pagdating sa transportasyon ng mga suplay.
Una na ring inihayag ng Department of Trade and Industry ang kanilang mahigpit monitoring at kolaborasyon sa hanay ng pulisya upang mas matutukan ang mga pangunahing bilihin at maibigay ang mga nararapat na karapatan ng mga konyumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










