
Pumalo na sa mahigit 2,000 ang kaso ng influenza-like illness (ILI) sa Quezon City.
Ayon sa QC Epidemiology and Surveillance Division mula January 1 hanggang October 13, 2025 nasa 2,070 na ang kaso ng sakit sa lungsod.
Base sa datos, ang naturang sakit at mas mataas ng 65% kumpara sa bilang ng kaso sa kaparehong panahon ng 2024.
Karamihan sa mga tinamaan ng sakit ay mga batang edad 14-anyos pababa na mayroong 1,348 na kaso.
Naitala ang pinakamaraming tinamaan ng sakit sa District 4 na mayroong 581, sinundan ng District 2 na may 441 cases, District 1, 345, District 3, 268, District 6, 226 at District 5, 212 cases.
Facebook Comments









