INFLUENZA VACCINATION ISINAGAWA SA MGA EMPLEYADO NG PANGASINAN PROVINCIAL HOSPITAL

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Nagpapatuloy ang influenza vaccination sa mga empleyado ng Pangasinan Provincial hospital sa San Carlos City.

Ayon sa awtoridad, maliban sa COVID-19 Vaccine dagdag proteksyon ang naturang bakuna upang maiwasan ang iba pang sakit ngayong pandemya.

Prayoridad sa naturang vaccination ang edad 50 pataas.


Layunin ng Pangasinan Provincial Hospital na maging ligtas ang mga empleyado nito sa kabila ng pagbibigay serbisyo publiko.###

Facebook Comments