Sinimulan na sa Alaminos City ang pagsasagawa ng mga information dissemination activity ukol sa bilyon-bilyong natagpuang mga palutang-palutang na hinihinalang shabu sa coastal waters ng Pangasinan, maging sa mga karatig-bahagi.
Nakiisa sa aktibidad ang mga residente sa coastal communities, mga opisyales ng barangay, at mga mangingisda.
Tinalakay sa pagtitipon ang nararapat na proseso sakaling makatagpo ng mga kaparehas na kahina-hinalang bagay sa dagat, maging ang legal na kaparusahan sakaling akuin o gawing pagmamay-ari ang mga ganitong iligal na droga.
Hinikayat ang mga residente na agad ipagbigay-alam sa kinauukulan sakaling makakita ng mga kontrabando sa laot.
Samantala, kinilala at pinasalamatan ang mga mahigit limampung mangingisda sa lalawigan dahil sa agad na pagsurrender ng mga natagpuang mga hinihinalang shabu sa awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣