Information at education campaign para sa COVID-19 vaccine, dapat pang palakasin ng pamahalaan – OCTA

24

Iminungkahi ng OCTA Research Group ang gobyerno na paghusayan pa ang information at education campaign tungkol sa COVID-19 vaccine.

Ito ay sa gitna ng pagiging “choosy” o mapili ng ilang Pilipino pagdating sa COVID-19 vaccine.


Ayon kay OCTA Research Fellow Prof. Guido David, malalagay sa alanganin ang target na herd immunity kung pati ang brand ng bakuna ay magiging malaking isyu sa mga Pilipino.

Aniya, posibleng masayang at maapektuhan nito ang tumataas na kumpiyansa sa bakuna ng mga tao.

Facebook Comments