Hinahanda na ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pagpapalawig pa ng pang-imprastrakturang mga proyekto sa lungsod katuwang ang Department of Economy, Planning and Development o DEPDEV.
Prayoridad dito ang mga flood mitigation projects na sa kasalukuyan ay naumpisahan na sa iba’t-ibang bahagi sa mga kakalsadahan at bara-barangay sa lungsod.
Kabilang pa rito ang pagpapabuti pa sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga school buildings ay iba pa, maging ang mga health facilities na tutugon sa aspetong pangkalusugan ng lungsod.
Kasama rin sa hinahanda ang Tondaligan Tourism Redevelopment kung saan naumpisahan na ang target na pagpapasara ng dumpsite upang gawing Eco-Tourism Park
Nanindigan ang DEPDEV na pag-aaralan ang mga nasabing programa upang tuluyang maisakatuparan sa lungsod ang mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣