INGAT! | DOT, nagbabala laban sa mga bogus na travel agency ngayong summer season

34

Manila, Philippines – Kasunod ng pagdideklara ng PAGASA na opisyal na ang summer season, nagbabala ngayon ang Department of Tourism (DOT) sa mga travelers na magingat sa mga bogus na travel agency.

Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, kapag ‘too good to be true’ naang ino-offer ng mga travel agency, dapat na aniyang magduda.

Kailangan aniya na maging wais ang mga travelers lalo’t nagkalat ang bogus sa social media.

Kaugnay nito, tiniyak ng kalihim na patuloy ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa mga regional offices para gumawa ng listahan ng mga accredited na establishments and services, maging mga tour and travel agency na kanilang ipo-post sa website ng Department of Tourism.

Facebook Comments