INGGIT LANG | Paolo Ballesteros, ipinagtanggol si Kris Aquino sa mga basher nito

131

Manila, Philippines – Dinepensahan ng aktor na si Paolo Ballesteros si Kris Aquino laban sa netizens na minamaliit ang naging partisipasyon nito sa Hollywood film na Crazy Rich Asians.

Isa sa mga netizen ang nagsabing todo-postura si Kris sa Hollywood event gayong extra lang daw ito sa pelikula.

Say naman ni Paolo na naiingit lamang daw ang basher na ito dahil para sa isang artista tulad ni Kris ay isa itong uri ng pagpapahayag ng “#filipinopride”.

Bihira daw kasi sa mga tulad nilang artista ang makadalo sa red-carpet premiere ng isang pelikula kung saan ginanap pa ito sa TCL Chinese Theater sa Hollywood Boulevard sa Los Angeles, California.

Ni-repost pa ni Paolo sa kanyang instagram account ang kuha ni Kris na nakasuot ng yellow gown sa Hollywood event.

Facebook Comments