INIIMBESTIGAHAN NA | Isang bading, pinatay sa Pasay City

Pasay – Patay na ng matagpuang ang isang bading na nakasilid sa isang kulay itim na travelling bag sa Pasay City.
Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima, na mahaba ang buhok at nakasuot ng short pants.
Sa ulat, isang vendor na si Dante Ancheta ang nakakita sa travelling bag habang binubuksan niya ang kanyang food stall sa Baclaran Terminal Plaza 2 Shopping Center, Park Ave­nue Extension.
Dahil dito, agad silang tumawag sa pulisya upang ipasuri ang kahina-hinalang travelling bag kung saan nang buksan, dito tumambad sa kanila ang bangkay ng biktima.
Patuloy naman ang imbesitgasyon upang matukoy ang mga suspek sa pagpatay sa kaniya.

Facebook Comments