INILABAS | Appointment paper ni NHA acting General Manager Marcelino Escalada Jr., inilabas na ng Malacañan

55

Manila, Philippines – Inilabas na ng palasyo ang appointment paper ni National Housing Authority Acting General Manager Marcelino Escalada Jr. bilang bagong Secretary General ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Ito ay makaraang sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Atty. Falconi Millar dahil sa ilang isyu ng katiwalian.

Batay sa direktiba ng pangulo,mahalagang maipagpatuloy at epektibong maihatid ang serbisyo publiko lalo na sa ginagawang rehabilitasyon sa Marawi City.

Ang Secretary Ge­neral ng HUDCC ang nagsisilbing secretariat head ng task force ­bangon Marawi kaugnay sa ginagawang rehabilitasyon sa nabanggit na lungsod.

Matatandaang sinabi rin ng Pangulo na marami pa siyang sisibakin sa pamahalaan sa patuloy na kampanya ng administrasyon kontra katiwalian.

Facebook Comments