INILABAS NA | Apat na lugar sa Maynila, inilagay na sa watchlist kaugnay sa Brgy. at SK election.

14

Manila, Philippines – Inilabas na ng Manila Police District ang mga lugar sa maynila na nasa ilalim ng watchlist kaugnay sa Synchronized Barangay at Sangguniang Kabataan..

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo sa 896 na Brgy. apat lamang na watchlist sa Maynila partikular na ang Brgy.386, 648,649,650 na tinututukan ng MPD na madalas mayroon election related violence.

Habang ang iba namang Area ay itinuturing nilang Area of Concern ay patuloy pa rin ang ginagawang evaluation ng pulisya kung saan mayroon aniya parameters sila para maituturing na hotspot ang lugar na kanilang tinututukan.

Nilinaw ni Margarejo na bukod sa apat na watchlist mayroong iba pang na minomonitor ng MPD kaugnay sa nalalapit na Campaign period bukas.

Inatasan naman ni MPD District Director Chief Supt. Joel Coronel ang lahat ng mga Station Commander na paigtingin ang paglaban sa kriminalidad at pagsasagawa ng Oplan Sita at pagtatalaga ng mga miyembro ng MPD sa mga tinaguriang watchlist na may kinalaman sa May 14 elections.

Facebook Comments