INILABAS NA | SRP sa mga produktong pang-noche buena, inilabas ng DTI

48

Manila, Philippines – Inilabas na ng Dept. of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng Suggested Retail Price (SRP) ng noche buena products.

Kabilang sa listahan ang spaghetti, tomato sauce, elbow at salad macaroni.

Kasama rin ang hamon at sandwich spread.

Ipapaskil ang SRP sa mga pamilihan.

Ayon sa DTI, hindi apektado ang pagtataas ng presyo ng langis at paghina ng palitan ng piso sa dolyar ang presyo ng hamon at keso.

Babantayan na rin ng DTI ang presyuhan sa manok, bigas at asukal na inaasahang bababa sa susunod na linggo.

Facebook Comments