Inilatag na seguridad ng NCRPO sa Metro Manila para sa Eid’l Fitr, kasado na

98

Manila, Philippines – Naka-full alert na National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa seguridad ng pagtatapos ng Ramadan bukas sa Metro Manila.

Ayon kay NCRPO Director Chief Supt. Oscar Albayalde, handa na ang kanyang kapulisan na naka-deploy sa paligid ng mga mosque, simbahan at iba pang matataong lugar para sa Eid’l Fitr.

Nauna rito, sinabi ni Manila Police District Chief Sr. Supt. Joel Coronel na nagpakalat na ng mahigit isang libong pulis sa Plaza Miranda mula pa kahapon ng madaling araw.


Simula naman ngayon ay 2,000 kapulisan na ang naka-deploy sa Quiapo at Luneta Park.

Samantala, naka-alerto na rin ang mga Muslim community sa Metro Manila para sa kung anumang banta ng kapahamakan.

Facebook Comments