Inilatag na seguridad sa Basilan para sa gaganaping plebesito para sa BOL binusisi ng AFP chief

Personal na inalam ni AFP chief of staff General Benjamin Madrigal ang inilatag na seguridad sa lalawigan ng Basilan para sa gaganaping plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Mula sa Villamor Airbase sa Pasay City bumiyahe si General Madrigal patungong Zamboanga City at sumakay ng chopper patungong lalawigan ng Basilan.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Lieutenant Colonel Gerry Besana, ang hakbang na ito ng Chief of Staff ay bahagi ng Standard Operating Procedures o SOP ng isang commander para tingnan ang paghahanda ng tropa para gaganaping plebesito.


Ang Basilan ang isa sa lugar sa Mindanao na nasa areas of concerned para gaganaping plebesito

Ngayong hapon tutungo naman ang chief of staff sa Jolo, Sulu para tingnan ang inilatag na seguridad doon.

Facebook Comments