INILIPAT | Ilang bilanggo sa Bilibid inilipat ng piitan

Sa layuning mapaluwag ang New Bilibid Prisons (NBP).

Inilipat ang nasa 250 inmates mula sa Muntinlupa patungong Iwahig Prison & Penal Farm sa Palawan.

Ayon kay Bureau of Corrections Chief Director General Ronald Dela Rosa walang untoward incident ang naitala habang inililipat ang mga bilanggo.


Una nang inilipat ang 500 bilanggo sa Sablayan Prison & Penal Farm sa Occidental Mindoro.

Nabatid na tig iisan daang preso o 5 batch ng mga bilanggo ang ibinayahe patungong Sablayan bago sila tuluyang nakumpleto noong June 29.

Sinabi pa ni Dela Rosa na ang mga inilipat ng piitan ay pawang mga medium security category inmates.
Layon ng pamunuan ni Dela Rosa na mapaluwag ang Bilibid dahil na rin sa kulang-kulang na pasilidad sa NBP at upang maipatupad nang maayos ang reporma kanyang sinimulan.

Facebook Comments