Natapos na ang konstruksyon ng barangay road sa Payapa, San Carlos City na madalas ireklamo na nagiging sanhi ng sira sa mga sasakyan at abala sa mga motorista.
Ayon sa Department of Public Works and Highways Region 1, nagkakahalaga ng higit P4. 7 million ang proyektong ito na pinondohan mula sa General Appropriations Act noong 2024.
Kinatigan naman ng mga residente ang naturang proyekto dahil napabilis sa apat na minuto ang biyahe mula sa bayan at public market na noon ay inaabot ng labing isang minuto hanggang labing limang minuto.
Positibo ang mga residente na maiiwasan ang pagkakatala ng aksidente mula sa banta ng dating kondisyon ng kalsada dahil sa isinagawang konstruksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments