INIREREKLAMONG DRAINAGE CANAL SA PANTAL, DAGUPAN CITY, NAGPAPATULOY ANG KONSTRUKSYON

Ilang residente sa Sitio Guam, Pantal, Dagupan City ang dumulog sa IFM News Dagupan ukol sa diumano’y umaalingasaw at umano’y hindi tinapos na konstruksyon ng drainage canal sa kanilang sitio.

Ayon sa ilang residente, nakakaperwisyo na umano ito sa kanila lalo na’t possible umano itong magdala ng sakit sa mga residente.

Ayon kaya Barangay Pantal Kagawad Owen Navarro, bago pa man gawin iyon ay mababang area na umano ito kung kaya’t hindi dumadaloy ang tubig.

Dagdag pa niya, Phase 1 lang umano ang naaprubahang budget noon kaya’t naantala, ngunit tiniyak nito na ngayong taon ay ma-ipagpapatuloy na ang konstruksyon.

Bagamat may mga reklamo, hinihikayat din nito ang kanilang mga residente sa adhikain ng lungsod dahil ito umano ay shared responsibility. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments