INISYAL NA 10K FLU VACCINE, SINIMULAN NANG IPAMAHAGI SA IKA-ANIM NA DISTRITO

28

Nagsimula nang ipamahagi sa ika-anim na distrito ng lalawigan ang inisyal na sampung libong bakuna laban sa flu.

Sa bayan ng Asingan ay naipahatid na ang inilaang doses nito na tinanggap naman ng nasa 1, 300 na mga residente sa lokalidad.


Samantala, magpapatuloy naman umano ang pag-rolyo ng flu vaccines sa nalalabi pang mga bayan na sakop ng distrito at susunod ngang bibisitahin ang bayan ng San Manuel.

Layon ng malawakang pamamahagi ng vaccine shots na makaiwas ang mga mamamayan sa influenza virus na napapanahon ngayong tag-ulan.

Facebook Comments