Inisyal na COVID-19 vaccination sites sa Quezon City, tinukoy na ng lokal na pamahalaan

65

Inihayag ngayon ng Quezon City Government na may inisyal nang sampung lugar sa Quezon City ang gagamitin ng lokal na pamahalaan sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine.

Sa listahan ng Local Government Unit (LGU), kabilang dito ang Project 6 Tennis Court sa District 1, Batasan Hills National High School at NGC Covered Court sa District 2 at Aguinaldo Elementary School sa District 3.


Gagawin ding vaccination areas ang Dona Josefa Jara Martinez High School at Diosdado Macapagal Elementary School sa District 4, Kaligayahan Activity Center at Fairview Covered Court sa District 5 at Emilio Jacinto Elementary School at Culiat High School sa District 6.

Target ng LGU na makabuo ng 24 sites, bilang karagdagan sa tatlong city-run hospitals sa lungsod.

May natukoy pang ibang vaccination sites ang LGU pero isinasailalim pa sa evaluation kung makakasunod ang mga ito sa pamantayan ng Department of Health.

Facebook Comments