Initial report ng NBI hinggil sa Jolo incident, inaasahang lalabas sa loob ng 10 araw

469

Inaasahang maglalabas ang National Bureau of Investigation (NBI) ng initial report sa loob ng 10 araw hinggil sa nangyaring pagkakapatay ng mga pulis sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang regional office ng NBI sa Zamboanga City ang nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.


Pagtitiyak ni Guevarra na patas ang isasagawang imbestigasyon.

Sa ngayon, ang siyam na pulis na sangkot sa insidente ay nadisarmahan na at na-relieve na sa kanilang mga pwesto.

Kasalukuyang nasa kustodiya ang mga ito ng Sulu Provincial Police Office.

Facebook Comments