INIWAN? | Isang taxi, inabandona sa Quezon City

8

Manila, Philippines – Palaisipan sa mga otoridad maging sa mga residente ang dahilan kung bakit iniwan ang isang taxi sa Tandang Sora Avenue, Barangay Old Balara, Quezon City.

Ang nasabing sasakyan ay pag-aari nang Onix Transport Taxi na may plakang UWE-924.

Ayon ay SPO3 Celedonoo Cauneran Jr. ng QCPD-Station 6, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang Kimberly Rosete kaugnay sa nakita nitong taxi na inabandona kung saan nasa loob pa ang susi nito.

Bukod sa susi, nakita din ang I.D. ng driver nito na may pangalang Jay-Ar Camanzo.

Sa ngayon, nasa QCPD-station 6 ang narekober na taxi habang sinusubukan naman na makontak ang operator nito para malaman kung anong nangyari sa kanilang sasakyan maging sa driver nito.

Facebook Comments