Iniwang patay ng shearline sa MIMAROPA, sumampa na sa anim

Nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng anim na nasawi mula sa Palawan dahil sa sama ng panahon o shearline.

Ayon pa sa datos ng NDRRMC, isa pa ang nawawala sa Oriental Mindoro na subject ngayon ng kanilang operasyon.

Samantala, umaabot na sa halos 30,000 pamilya o katumbas ng 107,670 indibidwal ang apektado ng shearline mula sa 116 na barangay ng Palawan at Oriental Mindoro.


Sa nasabing bilang, mahigit 2,000 katao pa ang pansamantalang nanunuluyan sa ilang evacuation center.

Sa ngayon nananatiling baha ang siyam na munisipalidad at bayan sa Palawan at Oriental Mindoro kung saan isang kalsada pa sa Romblon ang nananatiling unpassable sa mga motorista.

Samantala, apat na munisipalidad sa Palawan ang nasa ilalim ngayon ng state of calamity dahil pa rin sa epekto ng shearline.

Facebook Comments