INJURED | Russian tennis star Maria Sharapova, hindi makakapaglaro sa Miami Open

22

Sports – Hindi makakapaglaro si Russian Tennis Star at five – time Grand
Slam Champion Maria Sharapova sa Miami Open na gaganapin sa March 21
hanggang April 1.

Humingi ng paumanhin si Sharapova sa kaniyang mga fans dahil kailangan
niyang mag-withdraw sa isa sa mga paborito niyang tournaments dahil sa
injury na tinamo nito sa kaniyang braso.

Aniya, gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang makabalik sa
tournament sa lalong madaling panahon.

Inanunsyo ng kampo ni Sharapova, na ang papalit sa kaniyang pwesto ay si
American Tennis Jennifer Brady.

www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments