Inquest proceedings sa 45 miyembro ng Chinese kidnap for ransom group, nagpapatuloy

Manila, Philippines – Nagpapatuloy ang inquest proceedings ngayong sa apatnapu’t limang mga miyembro ng Chinese kidnap for ransom group na naaresto ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG).

Ayon kay PNP Anti-Kidnapping Group Sr. Supt. Glenn Dumlao, isinasagawa mismo sa tanggapan ng anti-kidnapping group ang proseso nang pag-ii-inquest sa mga ito.

Bukas aniya ay ipipresenta nila kay PNP Chief Ronald Dela Rosa ang 45 mga Chinese national sa national headquarters lobby.


Sa ngayon nakakulong sila sa PNP anti-kidnapping group office detention cell matapos maaresto kahapon ng umaga sa Pasay.

Ang grupo aniya ay sangkot sa serye ng mga kidnapping for ransom sa Pilipinas kung saan ang mga target nila ay high roller casino players.

Facebook Comments