“Insertions” ng mga senador sa 2019 budget, dapat isapubliko – Andaya

123

Manila, Philippines – Naniniwala si Camarines Sur Representative Rolando Andaya Jr. na buo pa rin ang umano’y pork barrel funds ng mga senador sa 2019 national budget na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Andaya, chairman ng House Appropriations Committee, ito ang posibleng dahilan kaya sinasabi ng Senado na nagtagumpay sila dahil sa pag-veto ng Pangulo sa P95.3 billion na bahagi ng national budget.


Giit ni Andaya, dapat isapubiko ng mga senador ang sarili nilang “insertions” sa General Appropriations Bill (GAB).

Hiniling din ni Andaya sa Malacañang na agad ilabas ang buong veto message ni Duterte dahil baka “conditional” lamang aniya ang veto.

Facebook Comments

From Advertisers