
Lumalabas na politika ang dahilan sa nangyaring paghagis ng granda malapit sa munisipyo ng Buluan, Maguindanao del Sur nitong Abril 18.
Ito ang inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia sa isang pulong balitaan sa Maynila kaninang umaga.
Ayon kay Garcia na ang nangyaring insidente ay intensyon upang may gawin ang poll body matapos isailalim sa Comelec control ang probinsya.
Matatandaang nangyari ang insidente dalawang araw matapos na isailalim sa kontrol ng Comelec dahil sa mga dumaraming karahasan sa nasabing probinsya.
Samantala, sa ngayon ay hindi pa naaaresto ang suspek na naghagis ng granada kung saan may napaulat na isang sugatan.
Facebook Comments