Insidente ng pagkamatay ni Eddie Garcia, iimbestigahan

291

Ipinag-utos ng Department of Labor and Employment (DOLE) na imbestigahan ang aksidenteng kinasangkutan ng pumanaw na aktor na si Eddie Garcia.

Ayon sa DOLE, iniimbestigahan na ng occupational safety and health center ang pangyayari upang malaman kung nakasunod ba sa patakaran at panuntunan ng occupational safety and health ang mga ginagawang shooting ng mga pelikula at teleserye.


Matatandaang bumagsak si Garcia habang nagte-taping ng kanyang bagong TV show.

Noong nakaraang taon ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang OSH law para sa kaligtasan at maayos na workplace sa mga manggagawa.

Facebook Comments

From Advertisers