Insidente sa Recto bank hindi na dapat mapag-usapan pa sa ASEAN Summit, pero imbestigasyon dapat magpatuloy

34

Naniniwala si Trade Secretary Ramon Lopez na hindi na dapat pag-usapan pa sa 34th ASEAN Summit ang issue ng pagbangga ng Chinese Vessel sa isang bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank.

Sa briefing ni Lopez dito sa International Media Center sa Bangkok Thailand, ay sinabi nito na kung siya ang tatanungin ay hindi na dapat pag-usapan pa ang insidente dahil ito ay sa pagitan naman ng mga sibilyan.


Pero sinabi nito na hindi ibig sabihin ay hindi na dapat pansinin ang insidente.

Iginiit ni Lopez na dapat ay imbestigahan pa rin ang insidente upang matunton at malaman kung ano ang tunay na nangyari pero hindi na dapat idinadamay pa ang mga bansa dito dahil hiwalay ito sa pribado.

Dapat aniyang maging mahinahon ang lahat at abangan nalang ang magiging resulta ng imbestigasyon.

Ang mas mahalaga pa aniya ay malaman kung bakit iniwan ang ng Chinese vessel ang mga Pilipinong nabangga nito.

Facebook Comments

From Advertisers