INSPEKSYON SA MGA BUMABYAHENG PAMPUBLIKONG SASAKYAN SA REGION 1, NAGPAPATULOY

Magpapatuloy ang isinasagawang monitoring at inspeksyon sa mga bumabyaheng pampublikong sasakyan sa Region 1 sa ilalim ng Oplan D’Best o Drive Better to Enjoy Safe Travel ng Land Transportation Office Region 1.

 

Layunin nitong masubaybayan ang daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga bumabyaheng sasakyan ngayong patuloy ang dagsa ng mga byahero dahil sa pagbabalik-trabaho.

 

Partikular ang tanggapan na tutukan ang pagtalima ng mga bus companies sa mga ibinababang regulasyon para sa kaligtasan ng mga driver at pasahero.

 

Inaasahan ng tanggapan ang tuloy-tuloy na kooperasyon ng publiko upang ligtas ang pagbyahe sa mga kakalsadahan ngayong bakasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments