INSPIRASYON | 80-anyos na lola, balik eskwela!

Manila, Philippines – Matapos ang anim na dekada, balik eskwela ang 80-anyos na si Salvacion Nacario o mas kilala bilang Lola Sally para patunayang walang pinipiling edad ang edukasyon. Sa interview ng RMN Manila kay Lola Sally, sinabi nito na kahit medyo nahihirapan, sinisikap nitong makipagsabayan sa mga kaklase nito. Inspirasyon naman kung maituturing ng mga guro si Lola Sally sa kanilang eskwelahan. Third year high school lang ang natapos ni Lola Sally noong kabatan niya kaya hindi na natupad ang kanyang pangarap na maging isang military nurse. Nasa grade 11 na ngayon si Lola Sally sa isang eskwelahan sa Makati City at balak niyang ipagpatuloy ito hanggang sa kolehiyo.

Facebook Comments