INSPIRASYON | Pilay na Chinese athlete, nominado sa isang sports award sa Hong Kong

27

Hong Kong – Dahil sa pambihirang galing, nominado ang isang Chinese rock climber sa Laureus World Sports Awards sa Hong Kong.

Ito’y matapos na matagumpay ng 35-year-old na si Lai Chi-Wai na maakyat ang halos dalawang libong talampakang lion rock mountain.

Dahil dito, itinuturing siyang inspirasyon ng iba pang mga athlete with disabilities.

Si Lai-Chi-Wai, ang kauna-unahang Chinese athlete na naging nominado para sa Laureus World’s Best Sporting Moment of the Month.

Facebook Comments