Instagram ng anak nina Charlene at Aga, na-hack!

66

Nabiktima ng pangha-hack ang anak nina Charlene Gonzales at Aga Muhlach na si Atasha.

Batay sa post ni Charlene sa kanyang Instagram, ipinakita nito ang screenshot ng IG ni Atasha na may nakalagay na “hacked”.

Babala naman ni Charlene sa kung sino man ang gumamit ng pangalan ng kanyang anak, hindi iyon si Atasha.

Nagpasalamat naman si Atasha sa mga nag-report ng kanyang orihinal na account.

Si Atasha ay isa sa kambal na anak ng mag-asawang Charlene at Aga.

Facebook Comments